Pag-asang Kinaingat-ingatan

Binuhay ka sa pawis at luha

Niluwal ka sa mundong iba

Ikay nanggaling sa pusong banal at hinirang

Wala kang kawala sa pag-ibig na inalay sa langit at sa tao

Wala kang magagawa kundi humarap sa hamon,

Sa isang hinaharap na maaring masalimuot at madugo

Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw man din ay hinirang

Napiling gumanap bilang tagapagdala ng katotohanan

Tagapaghatid ng pag-asa sa mga hindi nakakakita sa halaga ng buhay

At sa ganong paraan ay iyong maiintindihan kung bakit ka isinilang na iba

Na ika’y pinagpala

Dahil pilit mo mang layuan

Pilit mo mang itaboy

Hahabulin ka ng usok ng takot

Susundan at susunduin ka ng apoy ng katotohanan

Di baleng ituring kang halimaw

Di mabasa, di malinaw

Tatayo ka at ililipad ng mga pakpak ng iyong kamalayan

Ang ugat na nag-uugnay ng iyong puso at isipan

Ang siyang magtuturo ng daan patungo sa ligayang iyong pinaka asam-asam

At sa salamin ng nakaraan ay iyong masisilayan

Ang katotohanang nababalot ng hiwaga at kulay

Ikaw ay isinilang, binuhay, hinubog, at sinanay

Para sa isang digmaan na tanging ikaw lang ang maaaring mamuno

Upang tagumpay na nakalaan sa mga aping katulad mo ay makamtan

Explore posts in the same categories: Uncategorized

Tags: , ,

You can comment below, or link to this permanent URL from your own site.

15 Comments on “Pag-asang Kinaingat-ingatan”

  1. Raleigh Says:

    Laloma ang tagalog oyyyy grabe jud……nag abri jud ko dictionary

  2. earnesthope Says:

    nyahahaha… nosebleed gani ko… hehehe

  3. 1delacruise Says:

    nosebleed plus diarrhea. :)

  4. amy Says:

    yaaah, graaabe! ang lalim…

  5. tam2x Says:

    nag nosebleed ko ug maau ha!!hehehe

  6. earnesthope Says:

    @tor – spurttttssss… LOL @nanay and tam2x – nyehehe… epekto ra nas kape.

  7. SeraphiquE Says:

    Napaka-makabagdamdamin naman ng tulang ito Earnest hope!

    i like this…full of emotions:hitik sa damdamin ang bawat taludturan (hahaha how i miss Gng.Lopez)

    make more tagalog poems!:D

  8. feyoh Says:

    Mabuhay si Ginang Lopez!

    shait! ang lalim! nakakapukaw-damdaming akda na sinisid ang kaibuturan ng mga natutulog na panaginip at pinapalutang ang mga ito at inililipad sa dakong kinaroroonan ng mga tagumpay ng mapaglakbay na diwa.

    (i don’t get what i’m saying…)

    bitaw, ’tis a good one ;)

  9. earnesthope Says:

    ahehehehehehehehehehehehehheheh!!!! Nakatawa ko dah… @arj and feyoh… Bumili ng yellow pad at may pasulit si Ginang Lopez. lol! Bitaw… seriously, I thought that was a bad attempt, but then again, it’s personal so I don’t really care if people don’t like it. DRAMA

  10. earnesthope Says:

    Salamat diay for appreciating. hehehehehe!

  11. Juancho Says:

    This is REALLY good. Compelling kaau. Hehehe. Chada bitaw bay.

  12. earnesthope Says:

    oh…coming from a Tagalog (if memory serves), salamat kaayo.

  13. SeraphiquE Says:

    Hahahaha “Mabuhay ang mga pasulit ni G.Lo!”

    What about your homage to Senior Gabas?hehehe Espanol poem anytime soon?:D

  14. earnesthope Says:

    Buyag! Hehehe! Bisaya sunod,

  15. 1delacruise Says:

    Halryt…


Comment: